Sabi nila ang tanda tanda ko na daw pero mahilig parin ako sa mga DISNEY movies… pero actually marami ka matututunan especially when it comes to LOVE… kagaya nlng nito..

The Little Memaid – both have different WORLDs.. but pinakita nila sa atin kung anu ang kahulugan ng PAGHIHINTAY. ( Love is Waiting )

Pocahontas – Tinuruan tayo kung papano magsakripisyo at kung papaano pakawalan ang taong mahal natin sa buhay kahit gaano kahirap pero kung kinakailangan, dapat gawin. ( Love is Sacrifice and Letting GO )

Beauty and the Beast – Dito pinapahiwatig na kahit gaano pa kasama ang nakaraan mo at kahit anu pa ang itsura mo, kapag mahal mo ang isang tao, babalewalain mo ito at pinapakita rin dito na kapag mahal mo magbabago ka para sa ikabubuti at hindi ikakasama. ( Love is looking past the Flaws )

Tarzan – Kung mahal mo siya handa mo iwan ang lahat para sa kanya. Handa mo iwan ang mundong ginagalawan mo para lang makasama siya. ( Love is giving up your old ways of living )

Aladdin – Pinapakita naman dito, na hindi nasusukat ng yaman ang pagmamahalan ng dalawang nilalang. Mayaman mahirap me kaya ka man or wala. ( Love looks beyond class and status )

Cinderella – Hindi masama ang mangarap, kahit sa tingin mo wala na talaga pag asa andun parin yung determinasyon mo para matupad ito. ( Love is HOPE )

Snow White – Hanggat busilak ang loob mo, hanggat maganda ang hangarin mo hindi ka mawawalan ng mga kaibigan na siyang tutulong sayo at makakasama mo sa bawat pagsubok ng buhay. ( Love is kind )

Tangled – Isang magnanakaw na nahumaling sa isang prinsesa, at dahil sa pagmamahal na yun, natutu siyang magbagong buhay. ( Love changes you for the better )

marami pa sana but iilan lamang ito sa mga sumikat na palabas sa DISNEY, maaaring iba iba ang interpretasyon ng iba, pero isa lang masasabi ko, nasa mundong ginagalawan natin ngayon, na puro pasakit at kalungkutan natututo parin tayung mangarap at umaasa nasa bandang huli meron parin tayong matatawag na HAPPY ENDING…kaya wag susuko, malay mo bukas na pala yun pero sumuko kana ngayon 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *