Paano mag move on

Paano mag move on ang lalake.

Nanlalandi – hindi para pababain ang sarili, kundi punan ang puwang ng pusong uhaw sa pagmamahal.

Ginagawang busy ang sarili – naghahanap ng ibang pagkakaabalahan, sumasali sa mga kakaibang activities, kung adventurous type kang lalake, ang mga papasukin mong gawain ay Airsoft, bungee jumping, mountain climbing at marami pang iba.

Kung FB adik ka naman na lalake – wala kang gagawin kundi ikwento ang nararamdaman mo. Kung ano ang mga nasa isip mo, mga bagay na gusto mong baguhin sa buhay mo at sa sarili mo bilang tao.

Maging masaya – madalas silang sumasama sa kaibigan nila na malalambing sila, mga kaibigan na maiintindihan,ma alagaan at ang kaibigang mapapayuhan sila.

Pagtanggap – ito na ata yung huling magagawa ng lalake para mag move on. Tatanggapin na lang na wala na, tatanggapin na lang na nangyari na. Ano pa nga naman magagawa mo diba? Kung mapipilit mo ba, mamahalin ka pa ba niya?

Kapag may bago nang love life- syempre bagong lovelife na ulet yan e, edi kilig kilig na naman si utoy niyan. Magmamahal na siya ulit, manliligaw na siya ulit. Goodluck sa susunod na lovelife kaibigan!

—————————-

Paano mag move on ang babae?

Nakikinig sa music – hindi yung kantang sinasampal sa kanila ang lyrics, kundi sa masasayang kanta Kung ano mang masasayang kanta.

Magdamag kausap ang bestfriend – hindi mawawala sa babae ang umiyak ng umiyak, kawawa si bestfriend, basang basa na nang luha, tipong mag kakasinat kapag natuyuan, daig pa ang na ambunan. Payo ko kay bestfriend, himasin ang likod niya, painumin mo ng tubig, galing sa gyera ng pagmamahal yan.

Kung blogger ka din namang babae – sinasabi lang rin nila ang sinasabi nila, nagpaparinig sila baka sakaling may magkagusto sa kanila, sasabihin yung mga katangian na kaya nilang gawin kapag nagkaroon sila ng karelasyon.

Mag eexercise/ magpapaganda – Beauty is the best revenge nga daw, nag eenjoy na sila sa ginagawa nila, nakaka benefit pa ang kalusugan nila, gumaganda pa sila. Tipong maiisip mo na ” SINONG NAGKAMALI SA ATIN NGAYON? “

Siraan ang babaeng ka on ng boyfriend nila – Eh syempre, mabigat ang pakiramdam, edi siraan na lang, kahit dun man lang makabawi sila sa boyfriend nila. Nilalait ng mga babae ang bagong syota ni boypren nila na panget, mataba hindi sexy. Ang masama nun nalaman nila sa huli na ipinagpalit sila sa mukhang tungaw.

Manglandi – lalake lang ba ang malandi? Ang babae rin no. Parang sa lalake lang rin, hindi para pababain ang sarili, kundi puwang ang pag kukulang sa pusong uhaw sa pagmamahal. Madalas nilang nilalandi ay yung mga kaibigan lang rin nilang lalake na tanggap kung sino at ano sila.

Pagtanggap – lahat naman nakakamove on sa oras na tinanggap na nilang wala yung taong ito. Wala na silang magagawa e, nangyari na kasi, may pride din naman kasi ang mga babae na bakit sila mang hahabol? Eh babae sila, ang tunay na babae naniniwalang sila ang hinahabol at nililigawan.

Kapag nagkaroon na nang bagong relasyon – Syempre, bagong love life. Bagong buhay, bagong yugto, bagong saya. Bagong taong makikilala, taong tatanggap, at taong magmamahal.

Paano kung masaktan ulit si babae? Paano ulit mag momove on? Basahin mo ulit muli sa umpisa. Paulit ulit lang yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *