Nagiisa kaba ngayon?

Nagtatanong kung bakit iniwan ka niya?

Kung bakit kelangan matapos ang lahat sa isang iglap lang?

Kung bakit kelangang matapos ang mga pangarap na hindi pa nasimulan….

Nasasaktan ng dahil sa pagmamahal…

Wag ka sana mawawalan ng pagasa, hindi mo man makita ang liwanag na hinahanap mo sa isang madilim na kwarto, kelangan mo paring maniwala na balang araw masisilayan mo ito.

Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may rason, alam ko gasgas na itong paniniwala na ito pero malaking tama itoh. Kahit nasa tingin mo iniwan kana ng buong mundo, si GOD hindi niya magagawa yun. Hindi niya tayo iiwan kahit na mag-unahan pa sila na makalabas sa isang nasusunug na bahay, maniwala ka hindi siya aalis sa tabi mo hanggat hindi ka naliligtas sa kapahamakan.

Marami ka ng nakilala na babae at lalake na binago ang takbo ng buhay mo, at maniwala ka, yung hindi mo pa nakilala ang siyang taong magiging buhay mo. Maniwala ka, anjan lang siya. kagaya mo na naghihintay na mabigyan ng pagkakataon. Wag mo hayaang huminto ang lahat ng dahil sa sakit na nararamdaman mo. Patawarin mo lahat ng nakasakit sayo at ipagdasal mo ang kaligayahan nila. Sa pamamagitan nun, saka lang kakalma ang puso mo.

Give your heart a chance and you will find peace, love and happiness in your own God-given time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *