Marami sa atin ang madalas magsakripisyo ng lahat ng meron sila kapalit ang isang bagay na pinapaniwalaan nila na makakapagbigay ng tunay na kaligayahan sa kanila. Siyempre isa narin ako dito.

For many, happiness is simply doing the things that they love to do. (tama?) Wala naman talaga masama dun. Pero, minsan yung mga bagay na nageenjoy tayung gawin ay hindi na pala tama or nakakasakit na tayu ng kapwa natin. Yung tipo na masaya tayu at the expense of other’s people sorrow… Selfish Happiness kasi yun at maling mali.

Hindi mo naman tlaga kelangan magsakripisyo ng buong-buo na pagkatao mo sa taong mahal mo kasi kung mahal ka niya tlaga at ginagalang, kahit ibigay mo ito lahat maghihintay at maghihintay parin siya ng tamang panahon.

At kung ang mahal mo at may mahal ng iba, wag mo isakripisyo ang pagiging kabit para lang maging masaya ka kasi nakakasira ka ng relasyon at pati narin sa sarili mo. Kahit naman sinu ayaw ang maagawan ng minamahal db? Kung sayu gawin im sure magagalit ka. Kung ang simpleng pagupo nga lang sa bus at maagawan ka ng pwesto galit kana yun pa kaya?

At sa mga kapwa ko naman na nabiktima ng ganitong sitwasyon, People we Love will fail us, but we dont have to fail with them. They will hurt us, but we should never sow seeds of anger that will bear bitter fruits. Kahit gaano tayu saktan ng taong mahal natin, dapat me space parin ng UNDERSTANDING ng FORGIVENESS and ACCEPTANCE sa puso natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *