Mahal Mo?

LOVE? Favorite pag-usapan ng lahat. Favorite maramdaman ng lahat.

Ikaw, in-love ka ba? Kung in-love ka, Congrats. Kung hindi naman, Chill. Hindi yan minamadali

Alam mo, sabi nila, ibigay mo raw yung puso mo sa taong siguradung sigurado ka. Lahat naman tayo ay naghahanap ng taong magmamahal sa kanila sa habang buhay. Kahit ang taong hindi sumeseryoso sa mga ganyan, ang mga taong ayaw ng commitment, ang mga taong papalit-palit ng girlfriend or boyfriend, e naghahanap din ng tunay na pagmamahal. Maaaring hindi pa sila handa o hindi pa sila nakakahanap ng katapat. haha.

Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko at iniisip mo na hindi ka naghahanap ng pagmamahal, hindi ka raw tao.

Osige eto. May nagkakagusto ba sa’yo? Sinasabi ba niyang mahal ka niya? Naniwala ka naman. Okay lang naman maniwala, pero bago sila, puso at isipan mo muna paniwalaan mo. Huwag kang atat. Hinay-hinay lang.

At kung may naykakagusto nga talaga sa’yo, wag mo sana silang gamitin para lang masabing may love life ka. Hindi lang sila ang niloloko mo, kundi pati ang sarili mo. Maniwala ka sa’kin. Darating ang araw at sasabihin mo sa sarili mo, “Bakit ko ba ginawagawa ‘to? Ganito na ba ako ka-desperado?”

Ang love hindi yan fashion statement na nasa uso lang. Porke’t may love life ang isa, pipilitin mo ang sarili mo na magmahal para masabing ikaw rin may love life. Kung ganun din lang, kawawa ka naman.

Next in line. Para sa mga taong nagmamahal. Nasasaktan ka na ba sa nangyayari? Ayos lang yan. Nagmamahal ka eh. Pero kung matagal ka nang nasasaktan at wala kang ginagawa para sa sarili mo, excuse me. May karapatan ka pong sumaya, wag kang tanga. Huwag mong ipapaubaya o ibibigay sa kamay ng ibang tao ang kaligayahan mo dahil kapag nawala sila, paano ka na? Tandaan mong ang mga taong nagmamahal at minamahal mo ay nandiyan para sa ibang emosyon na siyang nagpapatibay ng loob mo pero ang kaligayahan ay nasa kamay mo lang. Kayanin mo kung karapat-dapat kayanin.

Nahihirapan ka ba? Aba, mahirap talaga ‘yan. Nandiyan siya pero hindi mo magawa ang mga gusto mong gawin kasama siya. Ang dami mong gustong gawin pero hindi mo magawa dahil wala na siya sa tabi mo. Minsan, hindi mo magawa at masabi ang mga gusto mo dahil takot ka. Teka nga, ano bang mas nakatatakot? Ang mawala siya dahil napagod na kaka-hintay sa’yo o ang mawala siya dahil natanga ka at hindi niya nalaman ang nararamdaman mo?

Well, kahit anong pang pinagdaraanan mo sa usapang puso, lagi mong unahin mahalin ang sarili mo bago ang ibang tao. Ang puso, binibigyan ‘yan ng oras para unti-unti kang matuto. Parang pag-aaral ‘yan sa paaralan. May oras sa bawa’t leksyon na ituturo ng puso. Kung apat na taong gulang ka pa lang at tuturuan mo ang sarili mo ng usapang projectile, velocity, sine, cosine, tangent, at momentum, mahihirapan ka lang. Bigyan mo ng oras ang mga bagay-bagay. Unti-unti.

AT kung sakaling nagmamahalan na nga kayo at naghiwalay kayo at sinasabi mong hindi mo kaya, ano ka ba. Lahat ng tao may puso, hindi lang ikaw at siya. Maaari ka pang mahalin ng iba at maari ka ring magmahal ng iba sa tamang panahon. Give yourself enough time to grow.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *