Let it GO

Hindi madaling magmove on, lalo na kung gusto mong makalimut sa isang taong nakasakit sa atin, sinira ang ating tiwala at iniwan na nagiisa. Ang ipagpalit sa iba at luha ang tanging pabaon niya sayu, nakakasira ng pagkatao, at pilit tayung ngumingiti sa harap ng ibang tao at pag nakatalikod sila, panay naman ang hagulhol natin sa kakaiyak.

Madali lang naman kasi sabihin ang salitang “Mahal Kita” lalo na kung hindi sincere, at minsan sinasabi nila ito para lang makatakas sa maling gawain at para hindi magmukhang kasama-sama ang kanilang pagkatao sa harap ng kanilang kaibigan. Ipapakita nila na they CARE but in the back of their minds, hindi talaga. (Araw pa naman din ng AHAS ngaun tsk tsk)

Ilan sa mga babae at lalong lalo na sa mga lalake ang minsan nagsisinungaling sa kanilang nararamdaman dahil sa ang katotohanan hindi ka naman talaga mahal, maaring me gusto lang sayu, PERA mo, Katawan mo? anu pa? ari-arian mo? Balon-balunan mo? heheh 🙂 or malay mo pati alaga mong aso. (peace hehe) Ginagawa nila ang pagsisinungaling dahil sa ang alam nila, hindi ka gaanu masasaktan kapag ginawa nila yun, pero ang katotohanan, unti unti ka ng nalulunod sa sarili mong luha at unti unti ka ng nawawalan ng ganang mabuhay dahil sa sakit na dulot nito.

Isa lang masasabi ko, payong kaibigan, syota or syoto hehe 🙂 or payong magulang 🙂 basta payo ko lang sayu…

Pagkatapos mong umiyak ng isang baldeng luha, at sumigaw na halos kita na lalamunan mo, bumalik ka sa dating ikaw, yung dating buhay mo. Alam ko mahirap, at masakit ang pakawalan ang isang PAGMAMAHAL na matagal mong inalagaan. Pero dapat tanggapin mo ang katotohanan na tapos na ang lahat. Makakasiguro ako na unti unting babalik ang dating mong sarili yung dating ikaw pag lipas ng panahon, at bibigyan mo na naman ang sarili mo ng pgkakataon na magmahal ulet…hindi ko alam kung kelan pero nakakasiguro ako na matatagpuan mo ang lalake or babae na magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal na naipadama ng dati mong kasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *