Lagi tayong naghahanap ng isang taong magbibigay sa atin ng saya

yung tinatawag nating tunay na KALIGAYAHAN. Kaya lang nasasaktan tayo ng paulit ulit kasi we always end up with someone we LOVE rather than someone who LOVEs us more… (tama?) Lagi natin iniisip na yung taong mahal natin ay yung makakapagpasaya sa atin. But the fact is, true happiness is not just about loving but being loved in return. (salamat 2012 for teaching me)

Dumarating ang problema sa isang relasyon kapag sobra tayong nagmahal, nagiging selfish tayo kasi ayaw natin mawala yung mahal natin. (sino ba ang hindi? db?) kaya lang, sa sobrang pagmamahal, nagagawa nating kunin ang kaligayahan ng ibang tao para lang sa mahal natin. Nalilimutan natin ang essence ng pagmamahal.

Anu nga ba?…

It is letting GO and the real measure of our love ay yung abilidad nating magsakripisyo ng sarili nating kaligayahan para sa nakakabuti ng nakakarami.

Ok, since binasa mona hanggang dito let me share something to you 🙂

Minsan nagtataka tayo, bakit me mga taong gusto lang natin maging kaibigan pero nagpaparamdam na me pagmamahal sa atin at yung mahal natin sila naman yung gusto lang makipagkaibigan.

Hindi ba pwede na magkagusto tayu sa isang tao na parehas lang din ang nararamdaman niya para sa atin? hmmm…hindi kasi ganun yung nangyayari kaya karamihan sa mga nai-inlove ay nasasaktan.

They allow themselves to get emotionally attached to a person and they begin to expect that they would be treated differently from others.

Tapos darating yung panahon na bigla nalang xa mawawala at maiiwan tayong umaasa sa isang pagmamahal na hindi natin alam kung saan nagsimula at mga alaalang hindi man lang natin alam kung katotohanan oh isang panaginip lang.

TANDAAN SANA NATIN NA BAWAT SAKIT OH LUHANG TUTULO SA MGA MATA NATIN AY MGA ALAALA NA DAPAT NA NATING IWAN SA NAKARAAN. NAGMAHAL TAYO PARA MATUTO. NASAKTAN PARA MAGING MATATAG AT UMIYAK PARA MAGPARAYA, AT HANAPIN ANG LUGAR SA ISANG TAONG MAGMAMAHAL SA ATIN NG HIGIT PA SA KAYA NATING IBIGAY.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *