HUMANAP KA NG PANGET AT IBIGIN MONG TUNAY!

Naalala ninyo pa ba itong kanta na ito na pinasikat ni ANDREW E. at naisa pelikula na? Isa ito sa mga nagustuhan kong pelikula ni Andrew E. mula pagkabata ko.

Anu ba ang meron sa kanta na ito?

Humanap ka daw ng panget at ibigin mong tunay, anu nga ba ang meron sa PANGET at kelangan nating ibigin sila ng tunay?

Ganito kasi yan, sa mundong ito bihira nalang ang seryoso, i mean lalo na sa me itsura yung tipo na pang model yung tipo na nung naghasik ng kagandahan at kagwapohan si GOD eh halos sinalo na nila lahat.

Kung gwapo ka at maganda, mataas kasi pride lalo na sa pagpili ng standard ng taong mamahalin, gusto nila nahahabol sila yung tipo na pag nawala ka sa kanila OK lang kasi makakahanap agad sila ng papalit sayo at hindi na sila mageeffort para bumalik ka sa kanila oh di kaya hindi ka nila pipigilan pag umalis ka.

Tama nga naman, sa ganda at gwapo na yan hindi ka mahirap makahanap ng taong magmamahal sayo. Pero dahil sa itsura na yan kaya madali karin makahanap ng manloloko sayo at dahil sa madami na ang manloloko ngayun ayun, mapipilitan kana na HUMANAP ng PANGET.

Anu nga ba ang katangian ng isang PANGET? Ganito yan, kung pangit ka kasi super HUMBLE ka, yung tipo na pag iniwan ka ng mahal mo, hahabulin mo siya kasi natatakot ka na mawala siya sa buhay mo at hindi kana makakahanap ng kagaya niya, mag eeffort ka talaga minsan nga halos lumuhod kana sa harap niya para lang hindi iwan. Me pagkakaiba kasi ang panliligaw at pagmamahal ng isang Panget sa me itsura.

Pero dahil sa nauso ang magmahal ng PANGET ayun lumaki narin ulo nila at nagawa narin nila manloko. (hehehe)

Pero, tandaan sana natin na walang pinipili ang pagmamahal, kung me itsura ka man or wala. At sa totoo lang, wala naman talaga PANGET sa MUNDO, dahil lahat tayo nilikha ng pantay pantay. Nasa sa ugali nalang talaga ng tao yan kung manloloko ka man oh hindi.

Kaya kung ako sayo wag sa itsura tumingin, sa UGALI ka makiramdam. Kasi lahat naman tayo tumatanda at paglipas ng panahon kumukupas din ang angkin nating katangian. Pero ang ugali, kaya mo yang palitan anytime na gusto mo lalong lalo na kung MAHAL MO ang isang tao. Sigurado ako na kahit gaano pa kasama ang ugali mo, magbabago at magbabago ka alang alang sa MAHAL MO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *