Dahilan

Maraming dahilan ng pagluha, maaring naipit kamay mo sa pinto, malamang naubusan ka ng paborito mong pagkain, oh di kaya naman nalate ka sa school ay namiss mo yung exam kasi wala ka kokopyhan pag nag special exam ka, pero ang pinaka malupit na dahilan ng pagluha ay yung iniwan ka ng mahal mo ng basta basta…parang luha na pumatak sa lupa na bigla nalang naglaho at nawala na parang bula.

Kapag pala sinalo ng kamay ang luha. Makikita mo at maalala mo lahat ng nangyari. Yung mga bagay na pinangako niyo sa isa’t-isa. Mga salitang binitawan nyo na maaring mag-iiwan ng tatak. Minsan sa luhang yun sasalamin kung gaano ba kaimportante ang mga salitang nabigkas niya. Na aasahan mo. Kasi sa kanya galing. Kasi alam mong hindi ka sasaktan.

Pero yung luhang nasalo ng kamay mo pala ang magbibigay ng liwanag sayo. Liwanag para sa bagong buhay. Na talagang may taong darating satin para maging ganun na lang. At least na experience natin. At least nalaman.

Sa bawat pagpahid ng luhang yun.. Gumagaan ang loob mo. Para bang gusto mong ipaglaban pero wala na huli na ang lahat dahil paano mo ipaglalaban ang isang taong sinukuan ka. Sa bawat luha palang pumapatak sa ating mata.. May bawat salita dung magsasabi sa atin na panibago itong yugto ng buhay natin na kailangan lampasan.

Maaring hindi lang ngayon pumatak ang luha. Hindi natin alam kung mauubos ba ito o patuloy na babagsak sa mga hindi inaasahang panahon. Wala rin namang sariwang sugat na bigla na lang naghihilom. Kahit anong pamahid pa ang meron diyan. Imposible. Time heals ika nga.

Nakakalungkot lang na ang luhang ito ang magsisilbing lunas sa pusong nasugatan (first aid ika nga nila). At ito ay magiging peklat… At hihintayin natin ang taong tatanggap sa atin, na kahit gaano pa karami ang sugat na natamo ng puso mo…tatanggapin ka niya ng buo, at mapapalitan ng ngiti ang luha mo sa takdang panahon na binigay ni GOD para sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *