Creator

“Kung minsan yung EFFORT na hinahanap natin sa isang tao hindi natin namamalayan na ibinibigay nya in his/her own little ways.

Siguro ang problema minsan nasa level of APPRECIATION natin.

Yung pakiramdam na nakukulangan ka sa ipinapakita niya. Hindi naman kelangan mag-I LOVE YOU araw-araw, magpakita mag-hapon, makipag-text sayo ng magdamagan at tawagan ka minu-minuto para lang kumalma ka sa mga worries at duda or hinala mo, para hindi mawala ang tiwala mo.

Kung minsan, 2-minutes call na ginawa nya at nagparamdam sayo, mawawala lahat ng tampo, inis at galit mo sa kanya. Kahit chocnut lang ang ibigay nya at hindi imported na chocolate, napapangiti ka at kinikilig ka. kahit nga tokneneng lang ayos na.

Sa isang simpleng dahilan lang:

KASI MAHAL MO.

At lahat ng gawin, sabihin, ipakita at iparamdam nya,

nandun ang pakiramdam na KUNTENTO KA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *