Bluer than Blue

Me mga panahon sa buhay natin na masyado tayung nagiging emosyonal, times na sobra tayung nalulungkot, nasasaktan, times na minsan pakiramdam natin mahal lang tayu ng taong mahal natin kasi dahil sa meron silang nakukuha sa tin or pakinabang at hindi talaga tayo mahal kung sino oh ano yung pagkatao natin.

Minsan kelangan talaga nating mapag-isa, maging malungkot, makinig sa isang musika at umiyak. Tapos tatanungin natin sarili natin, bakit kelangan pang matapos ang isang musika, isang napakagandang musika. Bakit kelangan nating umiyak kapag nawala ang minamahal natin, at bakit sobrang sakit kapag pinalaya natin ang siyang taong nakakapagbigay satin ng kasiyahan.

Sa isang relasyon na iniingtan natin, ang pinaka mahirap na gawin ay ang magpaalam at pakawalan ang taong minamahal natin. Sa bawat huling yakap, isang parte ng buhay natin ay nawawala. Kada luhang pumapatak ay siya ring pagpatak ng mga nabuong pangarap. At naiiwan tayong luhaan at nasaktan sa isang relasyong hindi natin akalain na magtatapos.

Gusto nating tumakas sa nakaraan, kaya lang sa bawat kilos na ginagawa natin itoy ngpapa-alala ng sakit ng mga nakalipas. Kada pikit ng mga mata, kada lingon sa bawat anggulo naalala natin ang bawat sumpaan ng dating mainit na pagmamahalan, at napapaisip tayu kung paano ang isang tao ay may kakayahang saktan tayu ng ganito kasakit.

Kagaya ng musika, kahit gaano pa ito kaganda, matatapos at matatapos ito sa kanyang huling nota, kagaya ng bawat umaga itoy natatapos ng gabi. Lahat ng nasimulan ay natatapos sa nakatakdang panahon. Me mga bagay oh pangyayari talaga sa buhay ng tao na hindi natin kayang kontrolin at ang katotohanan, kelangan natin tanggapin yon.

LAGI SANA NATING TATANDAAN NA ANG BUHAY NATIN AY HINDI DAPAT MAGTAPOS SA SAKIT NG ISANG SAWING PAG-IBIG. DARATING AT DARATING SA ATIN BALANG ARAW ANG ISANG TAO NA HANDANG UMAWIT, NG ISANG HIMIG NG PAGMAMAHAL. BALANG ARAW MATATAGPUAN NATIN ANG PAGMAMAHAL NA PARA SA ATIN LANG AT WALANG KAHATI. ISANG URI NG PAGMAMAHAL NA ME PANGAKONG PANG HABANG BUHAY.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *